Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Que, Delos Santos umabante sa finals

0 140

Napabilang sa 69 finalists sina Angelo Que at Fil-Am Justin delos Santos, samantalang kasama naman sa 41 na mga nagmintis sa cutoff scores si Juvic Pagunsan pagkaraan ng 48th Japan Golf Tour 2020-21 12th leg, ¥50M (P22M) 1st Golf Partner Pro-Am Tournament halfway mark sa Toride Kokusai Golf Club sa Tsukubamirai City, Ibaraki Prefecture Biyernes.

May second round two-over par 68 si Que para malaglag sa triple-tie sa seventh place mula fifth sa opener, kasama sina Japanese Kazutaka Higa (65) at Dong-kyu Jang ng South Korea (66) na may identical 131, seven strokes ang layo kay solo leader Nippon Tomoharu Otsuki na may 64-124.

Tumira naman si Delos Santos ng 68 para sa 134 two-day total at mahilera sa 14 na nasa 28T para patuloy na papalo kasama si Que at sa last two rounds, habang kapos lang ng isang palo si Pagunsan para makaabante rin sana na may 69-137.

Four strokes edge lang si Otsuki kay South African Shaun (68-128). Nasa tersero ang tatlong hometown bet na may 129 aggregates. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.