Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Que ika-4, kumita ng P760K

0 144

Tumapos si Angelo Que ng 8-under par 62 para sa four-day total 19-under 261 at mahanay sa pitong nagtabla sa fourth spot na may ¥1,727,857 (P760K) bawat isa sa wakas ng 48th Japan Golf Tour 2020-21 12th leg, ¥50M (P22M) 1st Golf Partner Pro-Am Tournament sa Toride Kokusai Golf Club sa Tsukubamirai City, Ibaraki Prefecture Linggo.

Si Shaun Norris ng South Africa (63) ang naghari at sinubi ang ¥10M nang mangibabaw sa playoffs laban kina Scott Vincent ng Zimbabwe (62) na sumegunda at home bet Tomoharo Otsuki (68) na tumersera pagkaraan ng identical 259s sa regulations.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang isa pang Philippine bet na si Fil-Am Justin delos Santos may 66-268 para sa seven-way tie sa 36th place at kumita ng ¥240K (P105K). (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.