Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Que may P78K, Pagunsan P75K

0 147

Sinara ni Angelo Que ang kampanya sa two-over 70 pa-214 aggregate at tumabla sa triple-tie para sa 57th place na may may ¥178,500 (P78K) each sa wakas ng 48th Japan Golf Tour 2020-21 ninth leg, ¥100M (P44.7M) 61st The Crowns sa Wago Course ng Nagoya Golf Club sa Nagoya City, Aichi Prefecture Linggo.

Nagtala si Juvic Pagunsan ng 75-216 para sa pagsalo sa ika-61 puwesto kasama ang dalawa pa na may ¥171,750 (P75K), samantalang bokya sa cash prize ang isa pang Philippine bet na si Fil-Am Justin Delos Santos na ‘di umabot ng finals.

Tinanghal na si hari si Nipppon Hirsohi Iwata sa 63-198 para sa three strokes win laban kay countryman Katsumasa Miyamoto at isubi ang ¥15M. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.