Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Que nangamote, 80 tinira

0 36

Saltong masustena ni Angelo Que ang magkasunod na araw na gilas nang magkalat sa eight-over par 80 na nagpatalsik na sa kanya sa paghahabol sa trono ng $1M Singapore International penultimate round sa Tampines Course ng Tanah Merah Country Club sa Singapore Sabado ng hapon.

Buhat sa one-under 71 sa halfway mark sa pagsalo sa pang-apat na puwesto Biyernes sa 122-player, four-day event, lagpak ang PH lone bet sa seven-way tie sa 29th place sa 223 total sa 68 finalists.

Iwan na ng 11 palo sa lider pa ring si Rattanon Wannasrichan ng Thailand na may 73-212.

Related Posts

Nangamote ang three-time Asian Tour champ sa mga double bogey sa Nos. 2, 3, 12, 14 at 16 para sa 38-40 sa torneong pampito at pangalawa sa huli bago bumaba ang kurtina ng 26 Asian Tour 2020-21 at sinagasaan ng COVID-19.

May two-stroke lead ang Thai kay Korean Joohyung Kim. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.