Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Que pang-16, P650K sinubi

0 111

Binawi ni Angelo Que ang masamang tinipa sa round three sa matagal-tagal ding panahon, tumira ng two-under 70 (34-36) upang maisalba ang pang-16 na puwesto na may $12,670 (P650K) sa wakas ng 1M Singapore International sa Tampines Course ng Tanah Merah Country Club sa Singapore Linggo ng hapon.

Kasama ang 72-71-80, may 293 total ang lone PH bet para makasalo sa nabanggit na posisyon kasama sina Phachara Khongwatmai ng Thailand (70), Rory Hie ng Indonesia at Korean Doyeob Mun (71s), at Richard Lee ng Canada (67).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang Koreanong si Kim Joo Jyung ang naghari sa 122-player event via playoff kay Thai Rattanon Wannasrichan sa four-day event na pangalawa sa huling event bago tumiklop ang 26th Asian Tour 2020-21. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.