Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Que pang- 31, may P410K

0 26

Tumirada sa pangalawang sunod na araw si Angelo Que ng two-under par 69 upang sumalo sa tatlong iba pa sa pang-31 puwesto na may ¥926,250 (P410K) sa wakas ng 48th Japan Golf Tour 2020-21 28th leg ¥150M (P66.2M) 48th Dunlop Phoenix Tournament sa Phoenix Country Club sa Miyazaki Prefecture Linggo ng hapon.

Kasama ang first two-round 68-73, may five-under 279 total ang Pinoy golfer mula sa Manila, malayo ng 12-shot kay champion Chan Kim ng United States na naka-63-267 para sa one-stroke win kina home bets Naoyuki Kataoka (65-268) at Ryosuke Kinoshita (67-268).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Walang premyo ang isa pang pambato ng ‘Pinas na si 2020+1 Tokyo Olympian Juvic Pagunsan nang ma- cut sa halfway mark. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.