Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Que pang-51 sa tinirang 71

0 49

Sinalpak ni Angelo Que ang even-par 71 para mapuwesto sa 15 magkakatabla sa pang-51 sa pagsisimula ng 48th Japan Golf Tour 2020-21 23rd leg ¥110M (P50.2M) 49th Bridgestone Open Golf Tournament sa Sodegaura Country Club-Sodegaura Course sa Wakaba-ku, Chiba Prefecture Huwebes ng hapon.

May anim na palo ang layo ng 42-anyos, 5-9 ang taas na Pinoy shotmaker mula sa Manila na kinakalinga ng ICTSI, laban kina co-leader local bet Ryutaro Nagano at Korean Dong-Kyung Jang na may 6-under par 65 opening.

One-stroke down lang kina Nagano at Jang sina Nippon Yuwa Kosaihira, Kunihiro Kamii, Satoshi Kodaira, Katsumasa Miyamoto at Koreanong si Ye Yang sa 102-player, 72-hole stroke, four-day event, na ¥22M (P10M) ang top purse. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.