Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Que pang-9, sinalba 72

0 41

Nakapagsalba si Angelo Que nang impresibong even-par 72 kahit matagal na nagarahe upang humanay sa 11 magkakabuhol sa pangsiyam na puwesto sa opening ng $1M Singapore International sa Tampines Course ng Tanah Merak Country Club sa Singapore Huwebes ng hapon.

Tampok sa tirada ng mag-isang pambato ng ‘Pinas sa 122-player, 4-day golfest ang frontside birdie para maiwan lang ng limang palo sa kumopo ng first round leadership na si Khalin Joshi ng India, na binalewala ang malakas na hangin at mapaghamong playing venue para itarak ang five-under par 67.

SM food to go Banner Ad

May dalawang hampas lang na abante ang Indian kay William Harold ng England na naka-69 sa 7,535-yard layout.

Binalikwasan ni Que, three-time Asian Tour winner, kabilang ang 2008 Philippine Open sa Wack Wack, ang maagang pangangapa sa pag-save ng mga par nang pitong ulit mula sa three-putt miscue sa No. 11 hole. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.