Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Que susundan yapak ni Arda

0 39

Unang titulo sa tatlong taon at pangalawa sapul nang maging 2015 regular campaigner ang pamantayan ni Angelo Que bilang mag-isang bet ng ‘Pinas sa 48th Japan Golf Tour 2020-21 24th leg ¥210M (P94M) 86th Japan Open Championship na sisiklab ngayong Huwebes sa Biwako Country Club sa Ritto City, Chiba Prefecture.

Kalakip sa mabigat na misyon ng 42-year-old, 5-foot-9 at Manila native, na masundan ang kapwa Pinoy na si Ben Arda na nagkampeon sa pang-39 na edisyon ng taunang torneo noong 1973.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Unang umupo sa trono sa mayamang continental men’s pro circuit na ito si Que sa 49th Top Tokai Classic noong Sept. 2018 pa sa Miyoshi City, Aichi Prefecture. Hindi pa niya nasusundan ang tagumpay. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.