Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Que tie sa 14th, sinubi P345K

0 96

Nilabas ni Angelo Que ang tikas sa fourth o final round para sa eagle-aided six-under par 66 pa-17-under 271 at humanay sa 14-katao sa ika-14 na posisyon na may ¥786,666 (P345K) bawat isa sa pagtiklop Linggo ng 48th Japan Golf Tour 2021 15th leg ¥50M (P22M) 7th Dunlop Srixon Fukushima Open sa Grandee Nasushirakawa Golf Club sa Fukushima, Japan.

May mga previous na 70-68-67 ang 42-anyos na Pinoy shotmaker buhat sa Maynila, iwan ng walong palo sa naghari na si Ryosuke Kinoshita (62-263) na dinaig sa playoffs ang hapwa hometown bet na si Ryuko Tokimatsu (67-263) para mabiyayaan ng ¥10M ((4.3M).

SM food to go Banner Ad

Parehong sumablay sa cutoff ang dalawa pang Philippine bet na sina 2020 Tokyo Olympic-bound Juvic Pagunsan at Fil-Am Justin delos Santos kaya hindi nakasa sa mga nagrsyahan sa apat na araw na paligsahan.

Isa pang Nippon ang third placer sa katauhan ni Tomohiro Ishizaka na nagbaon ng 66-265. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.