Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Que umakyat, tumira ng 71

0 30

Inunat pa ni Angelo Que ang mga masel upang isalpak ang one-under par 71 at pumalaot sa 68 finalists sa pagsampa sa pagtabla sa pang-apat na puwesto tapos ng $1M Singapore International second round sa Tampines Course ng Tanah Merah Country Club sa Singapore Biyernes ng hapon.

Galing ang nag-iisang pambatong shotmaker ng ‘Pinas Huwebes sa 122-player, four-day event sa sinalbang even-par 72 kahit matagal na nagarahe upang humanay sa 11 magkakabuhol sa pangsiyam na puwesto sa opening.

Apat na palo na lang ang pagkaiwan niya (143) buhat sa lima sa bagong lider na si Rattanon Wannasrichan ng Thailand na may 66-139, abante sa kababayan niyang si amateur Ratchanon Chantananuwat (66-137) at opening day leader Indian Khalin Joshi (74-137).

May 64 players ang mga nabigong makapasok sa cut off scores na seven-over par sa torneong nagsisilbing pangalawa sa huli na tatapos sa 26th Asian Tour 2020-21. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.