Abante Tonite Interactive

Queen Mother 3 taon nang tigang

PAK!

692

tonite-pak-allan-diones

Medyo asiwa si Karla Estrada na pag-usapan ang kanyang lovelife, pero meron pala siyang jowa at long distance relationship ang drama nila.

Alam daw ng anak niyang si Daniel Padilla ang tungkol dito dahil matagal na sila ng nasabing lalaki, 7 years na.

Nasa Colorado ang boyfie ni Karla at for now ay nagwu-work naman daw ang LDR nila.

Bago raw para kay Karla ang ganitong klase ng relasyon na walang masyadong commitment, walang expectations at hindi niya nilalaliman ang kanyang pagmamahal.

Kasi nga raw ay ang layo nu’ng guy. So, kung mag-decide man ito na wala na sila ay okey lang sa kanya.

Aabutin daw ng 3 years bago bumalik dito sa ‘Pinas ang jowa niya dahil may bagong negosyo itong itinayo roon sa Amerika.

Katwiran ni Momshie Karla, hindi importante ang lovelife niya kaya relaks lang daw. Actually, too much information na raw kaya nakakahiya. Basta, okey at happy raw siya ngayon.

“May lovelife o wala, sa estado ng buhay ko ngayon, maayos ang mga anak ko, wala na akong hihilingin pa. Masayang-masaya ako,” bulalas ng tinaguriang Queen Mother ng showbiz.

Bida si Karla sa pelikulang “Familia Blondina” na tuma-“Tanging Ina” ni Ai-Ai delas Alas ang dating, pero tila mala-Vice Ganda ang mga pa-comedy ni Karla.

Aniya, natural ‘yung istilo niya ng pagpapatawa, as in kung paano siya sa mga kaibigan niya dahil nakakatawa raw siya sa totoong buhay. Kaibigan niya sina Ai-Ai at Vice, so okey lang daw kung makita man sa comedy niya ang style ng mga ito.

Mas bet ni Karla ang taguri sa kanya na Comedy Momshie kesa sa Queen Mother of Comedy. Para pangkalahatan daw at mas marami ang makatawag sa kanya, tapos ay mas madali siyang abutin at kausapin.

Ai-Ai, Pokwang dapat kabahan kay Comedy Momshie

Natawa si Karla nang hiritan namin kung dapat na bang kabahan sina Ai-Ai, Vice at pati na rin si Pokwang bilang nagko-comedy movie na siya.

Masaya raw ‘yon na gumagawa siya ng ganitong pelikula at sana raw ay magsama-sama sila sa isang movie. Mas senior daw ang mga ito at magkakaibigan sila noon pa.

Aminado si Karla na bungisngis talaga siya sa totoong buhay at masayahin siyang tao kaya bagay sa kanya ang comedy genre.

Kasama ni Karla sa “Familia Blondina” sina Jobert Austria, Marco Gallo, Kira Balinger, Xia Vigor, Chantal Videla, Heaven Peralejo at Awra Briguela, sa direksyon Jerry Lopez Sineneng. February 27 ang showing nito in cinemas nationwide.

Barbie sinabunutanang sarili

Ang lakas ng impact nu’ng eksenang sinasampal at sinasabunutan ni Barbie Forteza ang sarili niya dahil nag-aaway sila ng kapatid niyang si Mika dela Cruz sa trailer ng pinag-uusapang Kapuso series na “Kara Mia.”

Isang netizen ang nakaisip lagyan ng music na “Teach Me How to Dougie” ang sampal video na ‘yon nina Barbie at Mika na kinunan sa ibabaw ng isang foot bridge sa may Quezon Avenue.

Parang sumasayaw ang galawan nina Barbie-Mika, na sakto sa beat ng kanta. Ayun, mahigit 4.2 million views na sa Facebook ang ‘Dougie Battle’ video na ‘yon at sandamakmak ang shares.

Ganu’n kabilis mag-viral ang kung anik-anik na vids at memes na may kinalaman sa “Kara Mia,” kaya mukhang papatok talaga ang kakaibang fantasy-drama series ng GMA.

Napanood namin ang pilot episode nito at nakaka-excite nga ang awayan ng magkapatid na iisa ang ulo pero dalawa ang mukha.

Makikita kung paano nabuo ang unique sisters na sina Kara at Mia, na ang isa ay mabait at ang isa ay maldita. Ang gumaganap na ina nila na si Carmina Villarroel ay kapwa minahal ng isang normal na tao (John Estrada) at ng isang engkanto (Mike Tan).

Sa Bacolod at Iloilo pa kinunan ang mga eksena sa pilot week at ang ganda ng Mambukal Falls sa Bacolod.

May fear of heights pala si Barbie kaya takot na takot siya at naiyak sa eksenang nakabitin siya sa foot bridge.

Si Carmina naman ay may fear of water, pero may eksena ito as Aya na nahulog sa lake at nalunod pero sinagip ni Iswal (Mike) na ­sobrang inlabey sa Manilenyang si Aya.

Ang ganda ng ginawa ng GMA Telebabad na mga babae ang bida sa ­seryeng inilagay nila after “24 Oras” na ang katapat na programa ay very macho at panlalaki.

Kaabang-abang ang “Kara Mia” na kasama rin sina Jak Roberto, Paul Salas, Glydel Mercado, Gina Pareño, atbp., sa direksyon ni Dominic ­Zapata.