Abante Tonite Interactive

Queen P, Valdez, Shawie, rampa sa pro hoop opening

By
0 146

Pangungunahan nina beauty queens Pia Wurztbach at Kylie Verzosa, megastar Sharon Cuneta ang mga paparadang muse sa PBA 44th season simula sa Enero 13.

Kikinang ang Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa pangunguna ni 2015 Miss Universe Wurztbach o ‘Queen P.’ bilang muse ng crowd darling Ginebra.

Gaya ng utol nilang Ginebra, tinapik ng defending Philippine Cup champion San Miguel si Versoza.
Maganda pa rin kahit may edad na ang ‘Megastar’ na si Sharon na swak sa Magnolia.

Ang iba pang muse ay sina Yam Concepcion para sa Phoenix, Klea Pineda para sa Alaska, Aya Fernandez para sa NorthPort, Jasmine Alkhaldi at Michelle Gumabao para sa Blackwater at Alyssa Valdez para sa NLEX.

Kikiligin ang fans nina Valdez at Kiefer Ravena dahil muse ng Road Warriors ang kasintahan ng player.

Dalawang magagan­da at nagseseksihang atleta naman ang mga irarampa ng Blackwater sa katauhan nina volleybelle Gumabao at swimmer Alkhadi.