Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Quesada pinirata ng Japan

0 65

Hindi lang mga basketball player ang kinukuha sa mga paliga sa Japan kundi pati football.

Nagtala ng kasaysayan ang dating Pilipinas Malditas striker na si Quinley Quezada nang maging unang soccer player na sumipa sa WE League, ang newest top flight professional football league sa ‘Land of the Rising Sun.’

Nakalaro na ang 24-anyos, 5-6 ang taas na Fil-Am midfielder-forward nitong Sabado para sa JEF United Chiba na lumasap nga lang ng 0-3 loss kontra Tokyo Verdy Beleza.

Bago ito sumabak si Quezada sa Malditas noong PH 2019 Southeast Asian Games at sa 2018-19 AFF Women’s Championship.(Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.