Abante Tonite Interactive

Quezon city pinutakte ng dengue

310

May pinakamataas na kaso ng dengue ang naitala sa Quezon City, ayon sa pamunuan ng Department of Health (DOH).

Sa ulat, sa lungsod ng Quezon ay umaabot na sa 3,000 kaso ng dengue, kung saan sa parehong period ng 2018, ay naitala rin ang 4,000 dengue ca­ses ang naitala.

Ayon sa DOH, ito ay dahil sa laki ng populasyo ng lungsod kaya naman mahigpit nilang minomintor ang mga lugar na maaaring pamaha­yan ng mga lamok na nagtataglay ng nakamamatay na sakit.

Sa Taguig, ang ‘dengue cases’ ay sinasabing ‘above the epide­mic threshold,’ matapos na tumaas ng 100 percent mula sa total noong 2018.

Ang Metro Manila naman ay may 10,000 reported dengue cases mula January 2019 na bahagya namang bumaba kumpara sa naitalang 11,000 cases na nairekord noong nakaraang taon.

Samantala, inatasan ng Malacanang ang DOH agapan ang paglaganap ng sakit na dengue at i­ligtas ang mga pasyenteng kinapitan ng sakit.

Kasunod na rin ito nang idineklara ng DOH na mayroong epidemiya ng sakit na dengue sa buong bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mahalagang magamot kaagad ang mga pasyente dahil sa posibleng peligro kapag hindi naagapan sa kanilang pagkakasakit. (Juliet de Loza-Cudia/Aileen Taliping)