Quezon City super lamig

Tiyak na nahirapan ang mga residente ng Quezon City sa pagbangon nitong Lunes ng umaga dahil sa napakalamig na panahon.
Nitong Enero 17, bandang alas-5:20 ng madaling-araw ay naitala ang pinakamababang temperatura na 19.5 degrees Celsius (°C) sa Science Garden sa QC mula nang magsimula ang northeast monsoon o amihan season.
Ayon pa sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), naitala rin ang lowest air temperatures sa Baguio City (11.7°C), Tanay, Rizal (18.0°C), Casiguran, Aurora (18.8°C), Malaybalay, Bukidnon (19.0°C), Ambulong, Batangas (19.5°C), Clark, Pampanga (19.5°C), San Jose, Occidental Mindoro (19.5°C), Abucay, Bataan (19.6°C), at Laoag City, Ilocos Norte (19.7°C).
Nitong Lunes, sinabi ng Pagasa na ang shear line at amihan pa rin ang nangingibabaw na weather systems.
Samantala, pinayuhan ng Pagasa ang mga taga-Mindanao na mag-ingat sa posibleng pagkakaroon ng mga flash flood o landslide dahil sa nararanasang katamtaman at malalakas na mga pag-ulan. (Dolly Cabreza)