Abante Tonite Interactive

Quezon Institute gagamitin sa quarantine

542

Bubuksan ang Quezon Institute Hospital para gawin quarantine area ng mga Patients Under Investigation (PUIs)at Persons under Monitoring (PUM) na pinauwi dahil sa mild symptoms.

Ito ang inihayag ni Health Usec Ma.Rosario Vergeire,bilang karagdagang pasilidad matapos ang pagtaas ng bilang ng mga nagpapasuri dahil sa COVID-19.

Maging ang pasilidad ng Philippine Red Cross ay tinitingnan rin para maging quarantine area.

“Sa ngayon nga po, tayo po ay nakikipag-usap sa pamunuan ng Quezon institute at Philippine Red Cross,” ayon kay Vergeire s.

Ang Quezon Institute ay nasa Quezon City, at pinatatakbo ng Philippine Tuberculosis Society, Incorporated, isang nonstock, nonprofit organization.

Ayon kay Vergeire, bukod sa gagawin quarantine facilities kasama sa imomonitor ang PUMs /PUIs na may symptoms at COVID-19 patients na pinauwi pero may mild symptoms.(Juliet de Loza-Cudia)

Tonite – Wendys Inhouse Ad