Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Quiban 1st Pinoy sa US PGA Tour

0 106

Tumersero sa 66-player Monday qualifier sa pasiklab na eight-under par 63 sa Victory Links Golf Club sa Blaine, Minnesota si Justin Raphael Quiban upang maging unang Pinoy na makakapaglaro sa isang regular event ng United States Professional Golf Association Tour.

Kabilang ang 25-year-old Pinoy pro sa apat lang na mga papalo na sa sisimulan sa Miyerkoles (Huwebes sa ‘Pinas) sa $6.6M (P334M) 54th US PGA Tour 2020-21 45th leg 3rd 3M Open sa kalapit lang na golf course na TPC Twin Cities.

Napilitang dumayo ng Estados Unidos si Quiban dahil sa kawalang mapaghahanapubahaya sa ‘Pinas at maging sa malaking parte ng Asia dahil sa pagkakansela ng mga torneo sanhi ng COVID-19 sapul noong Marso 2020. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.