Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Quiban susubok uli sa PGA

0 101

Muling susubok na makapalo sa isang regular event ng Professional Golf Association (PGA) Tour si Justin Raphael Quiban sa PGA Fortinet Championship via Monday qualifying sa Windsor Golf Club sa Sta. Rosa, California.

Sumakote ang 25-year-old Pinoy shotmaker ng puwesto sa18-hole qualifying nang magbuslo ng four-under par 68 sa pre-qualifying sa Yolo Fliers Golf Club sa Woodland, CA nitong Miyerkoles (Huwebes sa ‘Pinas) para sa pangatlong Monday qualifying.

Nakatakda ang tourney proper na $6.6M Fortinet event sa Silverado Resort and Spa sa Napa, CA sa Sept. 15-19. Nagmintis siya sa Korn Ferry Tour Q-School pagkaraang maging unang Pinoy na nag-qualify sa PGA Tour via Monday qualifying sa 3M Championship noong July. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.