Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Quiboloy fake news sa P3.5B project ko – Pacman

0 286

Binatikos ni Senador Manny Pacquiao si Pastor Apollo Quiboloy, isang self-proclaimed “Appointed Son of God”, dahil sa pagpapakalat umano ng maling kuwento laban sa kanya.

“Hindi ko nga alam bakit nangangaral ka ng salita ng Panginoon tapos ganyan ka? Hindi ganyan si Jesus Christ,” sabi ni Pacquiao sa isang panayam sa radyo kahapon.

“Hindi ako nakikipagaway pero nililinaw ko lang `yong side ko,” depensa ng senador.

Nauna nang kinuwestiyon ni Quiboloy, executive pastor ng The Kingdom of Jesus Christ, ang P3.5 bilyong halaga ng Primary Sports Development and Training Center na isang proyekto umano ni Pacquiao sa Sarangani.

SM food to go Banner Ad

“Si Quiboloy, biro mo sabihin ba naman na may project akong P3.5 [billion], tapos ang kinunan ng mga tao ni Quiboloy, gumagawa sila ng fabricated story, `yong kinunan, `yong building na 1996 pa itinayo. Pero hindi kinunan `yong mga bagong building na nagawa,” paliwanag ni Pacquiao.

Paglilinaw pa ng senador, P450 hanggang P400 milyon ang halaga ng nasabing proyekto at hindi P3.5 bilyon gaya ng sinasabi ni Quiboloy.

“Pero ang budget doon, hindi P3.5 billion. Actually, ang budget talaga, nasa mga P350 million to 400 million or pinaka-maximum na P500 million. `Yon `yong training center ng Sarangani, `yong may batas. Hindi P3.5 [bilyon],” sabi pa ni Pacquiao. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.