Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Quiboloy rape case sa Davao binuhay

0 61

May nakabinbin pang kaso ng rape laban kay Pastor Apollo Quiboloy na kasalukuyang nakaapela sa Department of Justice (DOJ).

Ito’y kaugnay umano sa kasong rape na isinampa laban kay Quiboloy noong nakaraang taon sa Davao City na bagama’t ibinasura na ay inapela naman sa DOJ.

Ipinahayag ito ni Justice Secretary Menardo Guevarra kasunod ng balitang sinampahan ng kasong sex trafficking si Quiboloy sa Estados Unidos.

“No sex trafficking charges have been filed or are pending in the Philippines against Quiboloy involving of the same factual circumstances as those in the recent US indictments. A complaint, for rape however was filed against him last year in Davao City but the same was dismissed. That dismissal is now on appeal with the DOJ,” ayon kay Guevarra.

Sabi ni Guevarra, sa naturang kaso na inapela sa DOJ ng mismong biktima ay inakusahan din umano si Quiboloy ng ‘child abuse, ill treatment, trafficking in persons through forced labor and trafficking in persons through sexual abuse’.

SM food to go Banner Ad

Samantala, pinunto ng kalihim na wala pa siyang natatanggap na komunikasyon mula sa pamahalaan ng Estados Unidos kaugnay sa kaso ni Quiboloy sa Amerika.

“As of this date, the DOJ has not received any request for extradition from the US DOJ, nor the US state department through the DFA,” ani Guevarra.

Base sa mga ulat sa Amerika, si Quiboloy at dalawang iba pa ay sinampahan ng kaso dahil umano sa sex trafficking operations kung saan ay mga menor de edad ang biktima.

Ginagamit umano ni Quiboloy at ng mga kasamahan nito sa Kingdom of Jesus Christ na nakabase sa Estados Unidos ang mga biktima para pondohan ang magarbo nilang pamumuhay. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.