Abante Tonite Interactive

‘Quiel’ bumirit, severe tropical storm na

0 103

Isa nang severe tropical storm ang bagyong Quiel.

Bagama’t lumakas ay hindi pa rin ito inaasahang tatama sa lupa hanggang sa tuluyang makalabas ng bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa) huling namataan ang bagyo sa Coron, Palawan.

Sa ngayon ay nagpapaulan ang bagyo sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands at Kalinga, Apayao, Ilocos Norte, Zambales, Bataan, Palawan, Mindoro provinces, Antique, Iloilo at Guimaras.

Nagbabala ang Pagasa ng pagbaha at lanslide sa lugar dahil sa magiging tuloy-tuloy na pag-uulan sa buong araw ng Biyernes. (Tina Mendoza)