Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Quinito pinuri Indons vs Gilas

0 78

KATAKOT-TAKOT na pang-aalaska at pang-iinsulto ang inabot ng Gilas Pilipinas, partikular ang coach na si Chot Reyes, matapos mabigo sa Indonesia ang men’s national basketball team, 81-85, kagabi sa Tranh Tri Gymnasium sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Sa pagkatalo, nagkasya lang sa silver medal ang Gilas squad at napakawalan ang gold medal sa basketball sa 11-nation biennial sportsfest na pinaghaharian ng bansa sapol noong 1991.

Ang batikang sports analyst na si ‘Dean’ Quinito Henson, pinuri ang team ng Indonesia sa nakamit na kauna-unahang gold medal sa SEA Games hoops.

“Congrats to Indonesia for taking its 1st ever SEA Games mens basketball gold!” ayon sa tweet kagabi ng sports analyst.

Hindi naman napigilan ni Quinito na pansininin ang mababang three-point attempts ng Gilas, maging ang mas maraming assist at bench points ng Indonesia.

“Gilas shot only 3 triples & Indonesia 13 or a difference of 30 pts! Indonesia won by 4, 85-81! Indonesia more aassts 21-13, bench pts 44-9! Short rotation left our guys exhausted in homestretch.”

Sina Marques Bolden at Abraham Grahita ang mga naging tinik sa lalamunan ng nationals nang magsalpak ng limang free throw sa nalalabing walo’t kalahating segundo upang buhusan nang malamig na tubig ang rally ng bansa. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.