Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Quo warranto kay Parade walang silbi – Lacson

0 233

Wala umanong halaga na maghain pa ng quo warranto petition laban kay Lt. General Antonio Parlade Jr. kaugnay ng kanyang pagkatalaga bilang tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon kay Senador Ping Lacson, mas mainam na hintayin na lang niya ang desisyon ng NTF-ELCAC at Department of National Defense hinggil sa kapalaran ni Parlade lalo na’t malapit na rin naman itong magretiro sa serbisyo.

“Parlade is retiring soon. It may be worthless to file a quo warranto petition at this point. The majority of senators have spoken and expressed our collective sentiment in a resolution,” aniya.

Dagdag ng senador, nagkausap na sila ni National Security Adviser Hermogenes Esperon at ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, hihintayin na lang umano nito ang opisyal na aksyon.

Sinabi naman ni presidential spokesperson Harry Roque na maaaring maghain ang mga senador ng quo warranto petition laban kay Parlade dahil sa umano’y pagbawal sa paghawak ng civilian post habang aktibong miyembro ng militar.

Pero giit niya, “Pwedeng nagsasalita po siya [Parlade] bilang tagapagsalita rin ng militar na represented po doon sa NTF-ELCAC. So let’s not dwell into that.” (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.