Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Quota sa babaeng pulis dadagdagan

0 384

Sinuportahan ng isang senador ang panukala na dagdagan ang quota requirement para sa mga babaeng pulis subalit binigyang-diin na kailangan din matugunan ang isyu tungkol sa sexual discrimination sa Philippine National Police (PNP).

Sinabi ito ni Senador Francis Tolentino sa kanyang interpelason kay Senador Ronald `Bato’ dela Rosa, dating PNP chief, hinggil sa Senate Bill No. 1562 o panukalang batas para dagdagan ang mga babaeng PNP officer.

Ayon kay Tolentino, kailangan na talaga buksan ang PNP sa kababaihan subalit dapat din siguruhin na walang discriminatory practices sa loob ng organisasyon.

Kapag naging batas ang panukala, aamiyendahan nito ang PNP Reform and Reorganization Act of 1988 para dagdagan ang quota ng mga kababaihang pulis na mula 10% ay gagawin nang 15%. (JC Cahinhinan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.