Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rabiya 6 taon na may dyowa

0 255

Tinanong ang Miss Universe Philippine 2020 na si Rabiya Mateo tungkol sa kanyang lovelife.

Buong ningning niyang sinabi na anim na taon na siyang may karelasyon sa naganap na presscon at exclusively meets ng Frontrow sa Manila Hotel.

In love ba siya?

“I am. I’ve been in love for six years with the same guy,” deklara niya.

Sey pa niya senior daw ang guy at freshman siya

Wish ng netizen na mabago ang kapalaran ni Rabiya Mateo kay Catriona Gray. Sana raw ay hindi sila maghiwalay ng bf ngayong Miss U PH na siya.

Talbog!

SM SuperKidsDay Banner Ad

@@@

Beauty Queen walang camera ang cellphone

Naikuwento rin ni Rabiya na walang camera ang cellphone niya habang lumalaban ng Miss Universe Philippines 2020.

Nanghihiram umano siya ng cel sa kapwa niya candidate para makapa-post ng photo.

Minsan nga nagagalit daw ‘yung mga sponsor niya sa pageant kung bakit hindi siya nagpo-post.

Pero ngayon siguradong mababago na ang buhay ni Rabiya dahil dadagsain na siya ng endorsement at may malaking cash na napanalunan. Kayang-kaya na niyang bumili ng mamahaling cellphone.

Bongga!

Leave A Reply

Your email address will not be published.