Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rabiya, Bianca, Gabbi timbog sa tagpuan

0 120

Timbog ang pagkikita nina Sanya Lopez, Bianca Umali, Gabbi Garcia at Rabiya Mateo sa isang private dinner . Nangyari ito sa posh restaurant na ang clientele ay ultra-shala at the rich and famous.

Ano ang one thing in common sa apat na dilag? Maalindog at magaganda silang lahat, check. Mahilig sila magpa-beauty, wellness and what makes a woman truly lovely inside and out, check na check. Silang apat ay perfect examples kung bakit talagang walang katulad ang kagandahang Pinay, triple check.

Boosted ang estrella powers ni Lopez. Ladies in waiting sina Garcia at Umali. Silang tatlo ba ang welcoming committee and making Rabiya feel welcome at home sa girl power activate at Kapuso sisterhood they are forming with Mateo?

Ang magandang tanong, may proyektong kayang iniluluto ang number one network para sa apat?Gagawin kaya silang millennial “Apat Na Maria”? Ang pelikulang pinagbidahan dati nina Janet Bordon, Julie Ann Fortich, Charo Santos at Lorna Tolentino?

O, magkaka-version rin sa Kapuso network ng mala-“Four Sisters and a Wedding” ? Silang apat ang itatapat sa mga katauhang binigyang buhay dati nina Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Shaina Magdayao at Angel Locsin?

Hindi kaya magkakaroon sila ng fashion and anything and everything that is beautiful magazine type talk show at for the first time eh apat ang magiging hosts? Ang taray!

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang daming puwedeng pag-isipan sa pagtatagpo nina Sanya, Bianca. Gabbi at Rabiya.Talagang napukaw nila ang pagkamausisa ng mga Kapuso at balana .

Piolo eklatero

Marami ang napa-arko ang mga bushy at one-line kilay at nagdabog ang bangs sa latest na pahayag ni Piolo Pascual.

Ang pahayag niyang: “I have never left and will never leave my Kapamilya, I am a Kapamilya through and through.”ang talagang nagpa-look sa sky sa nakakarami at hindi makapaniwala sa my amnesia man moment ni Pascual.

Talaga lang Papa P? Ano ngayon ang tawag mo sa one season stint sa isang noontime variety show sa TV 5 na si Mr. Johnny Manahan pa nga ang director? Iniwan mo ASAP and per se, hindi ba”leaving” ang tawag dun? May precedent ka na kasi na kapag si Mr. M ang nag-request sa iyo, sumasang-ayon ka. Paano kung maglambing sa iyo ang dating Star Magic head na ngayon ay kasakulukuyan consultant sa GMA Artist Center, iyong totoo, can you say NO, decisively and with finality and conviction kay Mr. M?

Ang sagot sa katanungang ito para kay Piolo Pascual is indeed blowing in the wind, my dear TONITE readers. Dahil pag ‘no’ ang sinagot ni Piolo Jose, confirmed ang bagong bansag sa kanya na Papa Eklatero.

Leave A Reply

Your email address will not be published.