Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rabiya bibinyagan ni Bong

0 163

Sumabak na ang dating Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo sa larangan ng pag-arte.

First acting project niya ang episode na “Ngisngis” sa nakaraang Halloween special na “Gabi ng Lagim IX” ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Sa nasabing episode, pinatunayan niya na puwede siyang maging “scream queen.”

Katunayan, may mga nagsasabing kung kakarerin niya ang ganitong genre, malamang na siya na ang pumalit sa trono ni Kris Aquino na nagreyna sa ganitong klase ng panoorin.

Matatandaang sa isang panayam noon, nasabi rin ni Rabiya na bet niyang magbida sa isang horror movie.

Aniya, ang horror daw kasi ang isa sa pinaka-challenging genre para sa kanya dahil napakahirap daw kasing manakot.

Ironic, pero bet din ng beauty queen na magtayo ng funeral parlor business bilang negosyo.

Dahil she did it naman with flying colors sa kanyang acting debut kaya pasok naman siya sa book 2 ng “Agimat ng Agila” ni Bong Revilla.

Ayon sa kibitzers, exciting daw ang pagkakasama ni Rabiya bilang bagong leading lady ng dating senador sa nasabing serye.

Marami na rin kasing beauty queens ang naging leading ladies ni Senator Bong .At for sure ay sa Tsinito actor din siya mabibinyagan pagdating sa kissing scenes.

Inaasahan din daw na baka kabugin pa ang naging kissing scene ng actor at ni Sanya sa Book 1 sa mga eksena niya kay Rabiya sa ikalawang aklat nito.

Speaking of Sanya, aprub naman sa sinasabing look-alike niya na si Rabiya bilang bagong leading lady ni Senator Bong. Incidentally ay abala ang aktres sa book 2 ng First na Yaya na ang titulo ay First Lady.

Luis palalayasin ang baby ‘pag kamukha

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa pinakabagong entry sa kanyang vlog na Lucky Tv, nagbalik ang mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola sa The Farm at San Benito.

This time, kasama nila ang kanilang mom na si Congresswoman Vilma Santos na gusto na ring magpaka-aktibo sa paggawa ng content sa kanyang vlog.

Ayon sa showbiz couple, memorable sa kanila ang nasabing lugar dahil dito idinaos ang kanilang kasal.

Sa vlog, ipinakita rin kung paano i-gudtaym ni Luis ang Star for all Seasons.

Naitsika rin ni Luis kung paano nila gustong tulungan sa kanyang vlog ang beteranang aktres.

Sa kanila namang heartwarming moments at fun conversations together, napag-usapan naman ng magkabiyak ang pagkakaroon ng baby.

Sa kanilang intimate bonding, halatang atat na si Luis na magkaanak kay Jessy.

Nagbigay rin siya ng kanyang wish sa kanilang magiging first-born kung sakali.

“Sana talaga pag baby girl, well kahit anong anak natin, sana kamukha mo,” sey ni Luis kay Jessy. “Pag kamukha mo baby natin, for sure, hindi ko papalabasin ng bahay. Pag kamukha ko anak natin, by 3 years old papalayasin ko na ‘yun,” pabiro niyang dugtong.

Marami namang netizen ang natuwa sa sinabi ni Luis dahil lumalabas kung gaano siya ka-protective bilang ama.

Sa huling bahagi ng kanyang vlog, proud na in-unbox ng actor ang natanggap na gold play button mula sa YouTube.

Umabot na kasi ng more than a million ang subscribers niya sa kanyang channel.

Wish din niya na ma-achieve rin ito ng kanyang misis at mom.

Leave A Reply

Your email address will not be published.