Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rabiya ‘bibinyagan’ ni John Lloyd

0 514

Pinasisingaw ang balita na more chances of winning na si Ms. Universe Philippines Rabiya Matteo ang magiging leading lady ni John Lloyd Cruz. Ito’y sa kanyang sitcom para sa GMA 7.

Naku! Major, major break ito para sa dusky Ilonggang si Matteo. Ang magbibinyag lang naman sa kanya, at bibiyak sa kanyang acting talent, ay ang mahusay na dramatic actor na marami talaga ang nakaka-miss.

Talagang raised the bar lalo ang estrella ni Rabiya pag nagkataon. Pribilehiyo para sa isang acting newbie like her na makatambal ang actor na best in chemistry at fans support sa mga proyekto niya lalong-lalo na kung sina Bea Alonzo, Sarah Geronimo o Jennylyn Mercado ang kapareha.

At kung kwela si Rabiya at palpable ang on-screen chemistry nila ni JLC, a new love team is born, ika nga. Matalinong babae si Matteo kaya if nerves won’t get in her way, tiyak na tiyak na marami ang magiging mausisa at susuporta dito.

Sa sitcom dati ni Lloydie sa Dos nakilala at nakatrabaho niya si Ellen Adarna. At alam na nga natin ang naging resulta ng maigting at mainit nilang relasyon na sa kinalunan ay natuyo rin ang mga damdamin nila para sa isa’t-isa.

Sa bagong sitcom with Rabiya, muli kayang lumundag at sumigaw ng “it must be love” ang puso ni John Lloyd para sa isa sa pinakamagandang babae sa buong sansinukob? Ay! Kaabang-abang ang kaganapan na iyan, sa true lang.

Kaya Rabiya Matteo, ariba ang pagiging bukod tanging babaing pinagpala at kaiingkitan ka talaga ng lahat pag narahuyo sa iyo ang nag-iisang John Lloyd Cruz. Winner ka, ning!

Isko tuloy ang laban na Presidente

Ngayong araw na ito, ipoproklama si Mayor Francisco Domagoso (Isko Moreno) ang kanyang pangarap na maging Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Cinderella man ang kwento ni Isko Moreno. Aspirational at inspirational. Buhay siyang patotoo na ang mga panaginip at pangarap ay mangyayari basta ikaw ay may determinasyon, sikap, tiyaga, pananalampataya sa kapanyarihan ng Maykapal, at pagmamahal na dakila.

Si Isko na artista rin dati, walang itinago at inilihim, tungkol sa makulay niyang pinagdaanan. Palagiang sinsero at dama mo ang kabutihan at kabaitan pag iyong nakakadaupang palad at kausap.

Ngayong kasado na ang kanyang pangarap na maging Pangulo, malalaman natin sa tamang panahon kung nakatadhana siyang maging ika-labing anim na Presidente ng Pilipinas nating mahal.

KimXi lihim ang kasal

Kaliwa’t kanan pa rin ang kuda at hanash kay Kim Chiu ng mga taong inggit na inggit sa kanya.

Nagkamali lang sa pag-quote sa isang Biblical verse na inamin naman niya, ang bashers at haters niya, agad-agad naging Biblical experts. Kulang na lang eh wisikan nila si Chiu ng holy water o kaya eh hilingin na maging “asin” ito dahil sa pagkakamali.

May naniniwala na nga kasing lihim na ikinasal umano ang KimXi kaya poot na poot ito sa pahayag ni Chiu na maaring nagtaksil ang isa sa relasyon ay dahil hindi siya masaya.

Kahit ano pa ang sabihin ng mga team dudusa at mapanghusga, Kim Chiu continues to be a darling to many. At alam niya rin naman talagang aminin agad-agad ang kanyang mga paminsan-minsang pagsablay kaya mas lalo siyang ni-endear sa madlang pipol.

Leave A Reply

Your email address will not be published.