Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rabiya bitbit ang agimat ni Pia

0 358

Bago pa man tumulak si Rabiya Mateo para katawanin ang bansa sa 69th Miss Universe pageant, masasabing matindi ang pinagdaanan niyang training. Sinanay siya sa runway, interview at maging sa personality development.

Katunayan, nakapokus ang kanyang adbokasya sa mental health.

Aniya, nagpapraktis din siya kung paano isasalang ang sarili sa Q and A.

Bago rin siya umalis ng bansa noong April 9, baon niya ang mga kuntil butil na mga payo sa mga kaibigang beauty queen tulad ni 2015 Ms. Universe Pia Wurtzbach.

Payo raw ni Pia, huwag daw niyang hayaang ma-distract siya ng mga kapuwa niya kandidata.

Mas importante raw na magpokus siya sa kanyang sarili at maging natural lamang at totoo sa kanyang magiging sagot.

Hindi rin daw dapat ma-intimidate si Rabiya

sa gara ng gown o costume ng kanyang mga katunggali.

Mahalagang kalasag din daw nito ang kanyang kumpiyansa sa sarili.

Nagpapasalamat naman si Rabiya kay Pia dahil sa pagpapahiram nito ng hikaw sa kanya na itinuturing niyang lucky charm.

Happy naman ang beauty queen dahil nangunguna ang kanyang pangalan sa isinasagawang online poll para nasabing pageant.

Wish ni Rabiya na makapasok sa top 20 at masungkit ang ikalimang korona ng Ms.Universe sa May 16.

Jessy ‘hinuhuthot ‘ ang datung ni Luis

Sa kanyang vlog, sinagot ni Jessy Mendiola ang mga isyung ipinupukol sa kanya ng mga netizen.

Isa namang basher ang nag-akusa sa kanya na ‘hinuhuthutan’ niya umano si Luis kaya pinakasalan ito.

Sey niya, hindi siya gold digger dahil in fairness, hardworking siya at may naipundar din siya sa sarili niyang ipon.

Dagdag pa niya, hindi siya umaasa kay Luis pagdating sa mga bagay na pinansiyal.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tungkol naman sa komento na magkakahiwalay din sila ni Luis, sinabi niya na madalas na nagiging isyu na iyan sa mga showbiz couple na naikakasal o engaged.

Aniya, parang sanay na raw siya sa mga ganyang intriga, lalo pa’t maligaya naman siya sa piling ng kanyang hubby.

Aware rin si Jessy na hindi niya mapi-please ang lahat ng tao, lalo na iyong mga taong sa simula pa lamang ay ayaw na sa kanya.

Hiling na lang niya sa mga basher o sa mga netizen, na sana naman ay maging maligaya rin sila sa tagumpay ng isang tao, lalo pa’t wala namang siyang inaagrabyado.

Sa puna namang hindi siya maganda dahil nadala lang ang kaputian niya dahil adik siya sa gluta, ipinagtanggol naman siya ni Luis sa aspetong ito.

Manzano pangit umiyak

Nag-celebrate ng kanyang 40th birthday si Luis Manzano sa vlog ng kanyang misis na si Jessy Mendiola.

Sa episode na Howhow’s Birthday Mukbang, sinagot ni Luis Manzano ang 40 MEAN comments ng netizens sa kanilang mag-asawa.

Sa unang komento, sinabi ng isang netizen na parang showbiz lang daw ang kasal nila dahil wala siyang nararamdaman love between the showbiz couple.

Depensa ni Luis, wala raw silang proyekto together ni Jessy at hindi raw nila ginawa ang kasal para pagkakitaan.

Kung may mga taong hindi raw masaya para sa kanila ni Jessy, hindi na raw siya ang may problema.

Tungkol naman sa pink suit na kulay pambabae na isinuot niya sa wedding, aminado naman si Luis na paboritong color niya ang pink at keber siya kung may nababaduyan o nababaklaan dito.

Hirit naman ni Jessy, siya raw ang namili sa motif ng wedding dahil gusto niyang maiba ito sa karaniwan.

Sa puna naman ng isang netizen na unhappy ang TV host-actor dahil naging viral na reaksyon nito sa kasal na umiiyak and yet parang natatae, sey ni Luis, totoo raw na pangit siyang umiyak.

Ito rin daw ang komento sa kanya ng mapayapang director na si Wenn Deramas.

Hindi raw naman siya magaling na aktor na mahusay mag-project sa mga teleserye tulad nina Lloydie at Papa P.

Sa mga nagsasabi namang hindi magtatagal ang kanilang pagsasama ni Jessy, aware raw siya na mga taong hindi boto sa kanila kaya dedma na lang siya rito.

Nagtataka lang daw siya na may mga taong kuda nang kuda sa social media and yet patuloy siyang pina-follow.

Leave A Reply

Your email address will not be published.