Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rabiya hindi maka-move on sa sarimanok gown

0 447

Isang linggo matapos ang 69th Miss Universe pageant, siniguro ni Rabiya Mateo na okay na okay siya at walang dapat ipag-alala ang kanyang mga fan.

Nag-post si Rabiya sa kanyang Instagram page last Monday, eksaktong isang linggo matapos ang Miss U na matatandaang ginanap last May 17 kung saan ay si Miss Mexico Andrea Meza ang nag-uwi ng korona.

Bungad ni Rabiya sa caption, “I can’t believe it’s been one week already. For those who were asking how am I, you have nothing to worry. I’m enjoying my mini vacay here in the US. Just few more days and I’ll be working again.”

Sa nasabing post ay makikita ang mga larawan ni Miss Universe-Philippines suot ang orange Sarimanok gown na gagamitin niya sana sa coronation night ng Miss U pero sa kasamaang-palad nga ay hindi na siya nakapasok sa top 10.

“This orange gown was my gift to Iloilo City. The details at the bottom is connected to Dinagyang festival which we celebrate every January,” aniya.

Aminado naman siyang pinakahintay-hintay niya ang sandaling maisuot niya ang orange gown at mairampa pero hindi na nga siya nabigyan ng pagkakataon. Kahit masakit ay tinanggap niya nang maluwag sa dibdib na hindi para sa kanya ang gabing ‘yun.

“I was waiting for that moment, I’ve been trying to imagine myself walk in this gown if ever I enter the top 10. It didn’t happen but I am still blessed.

“It was heartbreaking at first but I realize every girl in the competition also made sacrifices and it’s all about destiny. That night wasn’t meant for me,” saad ni Rabiya.

Pagtatapos ng beauty queen, “I failed to bring home the crown but I gained the hearts of millions of Filipinos, and that makes me a winner. Salamat Pilipinas! Lalaban parin tayo sa buhay!”

Anyway, mukha namang ok na ok naman si Rabiya talaga dahil nakakapag-joke pa siya. Nag-post siya ng larawan niya sporting a short hair kaya ang daming na-tense dahil inakalang nagpagupit siya although bagay naman sa kanya, huh!

Pero kapag binasa mo na ang caption, malalaman mong charot lang yun at wig lang ang suot niya.

“Nah just bluffing,” caption ni Rabiya.

Komento tuloy ni MJ Lastimosa, “charotera.”

Kakie tinangging sumingit sa bakuna

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mariing itinanggi ng panganay na anak nina Sharon Cuneta at Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na si Frankie Pangilinan na nabigyan siya ng special treatment sa pagpapabakuna.

Last week kasi ay naturukan na si Kakie kontra COVID-19 sa Makati City. Ipinost niya sa Twitter ang small clip habang binabakunahan siya.

“When i got an asthma attack mid-PE in middle school and everybody made fun of me i swore i would get back at them one day and here we are.

“All the melodic wheezing… all those times in the ER… have prepared me for this one moment… i feel alive and invincible… my ego has reached new uncertain heights…” ang caption ni Frankie.

Dahil dito ay katakot-takot na pangba-bash ang natanggap ng dalaga at inakusahan siyang “sumingit sa pila” meaning, nagkaroon ng palakasan.

Kaya naman sa kanyang latest tweets ay in-address niya ang bintang sa kanya at nagpaliwanag na walang katotohanang may special treatment na ibinigay sa kanya.

“Hi i didn’t want to make this a big deal but have y’all ever thought maybe ppl have health issues u don’t know about didn’t cut in line, got a text from makati gov saying i qualified, so i went, bc it’s the responsible thing to do,” ang unang paliwanag ni Frankie.

Aniya ay medyo idinaan niya sa biro ang kanyang caption sa video pero na-misinterpret pa rin siya.

“Made a lighthearted quip about it and wanted to be transparent, but even that was misconstrued. everything i’ve done for the past year has been so dramatized and it’s rly tiring guys.

“Hope you’re all safe and healthy. and if you qualify, PLEASE get vaccinated not only for ur protection but for those around u,” tweet ni Kakie.

She also stress out na kung sumingit siya sa pila, bakit pa raw niya ipo-post ang video.

“I had my own initial qualms about going precisely bc i thought abt the ppl who might better qualify, but if we all think like that how are we ever going to achieve herd immunity?

“And why would i post a video on a public platform if i cut in line??? pls my goodness gracious,” ani Kakie.

Leave A Reply

Your email address will not be published.