Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rabiya dedma sa ex

0 307

Nang makapanayam si 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa “The Boobay and Tekla Show,” inamin ng beauty queen na nang sumali siya sa MUP ay aware siya na ‘dark horse’siya sa nasabing competition.

Katunayan, hindi raw siya nagi-expect na mananalo siya noon at iproproklamang grand winner.

Marami rin daw siyang batikos na natanggap kaugnay ng kanyang pagkapanalo ng nabanggit na korona.

Natsismis din daw siya na ginapang niya umano ang kanyang pagkapanalo para magkaroon lamang ng titulo na para sa kanya ay “unfair.”

Noong makarating daw sa kanya ang mga tsismis, agad daw niyang kinausap noon ang kanyang ina para i-ignore nito ang anumang maririnig.

Sinabi rin daw niya sa mom niya na ang importante ay kilala nitong mabuting tao ang kanyang anak.

“Noong nanalo ako ng Miss Universe Philippines, kasi di ba dark horse ako nun? Ang narinig kong issue ‘Ay naging third party yan kaya nanalo yan.’ “That was nasty. Kaya siyempre isa akong babae na lahat ng meron ako pinaghirapan ko,”aniya.

“So kinausap ko yung mama ko. Kasi kung ako nasasaktan, times 10 yun sa nanay ko. So siya talaga yung sinabihan ko na ‘Ma, tatagan mo yung loob mo kasi yung pinasok ko, public property na ako. Wala na tayo say kung anong gagawing issue ng mga tao. Pero ang importante ay alam naman natin na mabuti tayo kahit walang nakatingin sa atin,”dugtong niya.

Speaking of Rabiya, maraming katkatera naman ang abangers sa kanyang panig hinggil sa naging pahayag ng kanyang ex na isang PBB hopeful na ipinagpalit siya nito sa korona.

Sa mga nakakakilala sa beauty queen, baka raw either dedmahin na lang nito ang alegasyon ng dating boyfriend . Posibleng piliin nitong magsalita sa tamang panahon.

Chiu papansin kay Xian

Nag-post si Xian Lim ng kanyang photo sa kanyang Instagram account kung saan makikita siyang tila nagmumuni-muni habang nakaupo sa silya suot ang kanyang cap at black shirt.

May caption itong : “Habang iniisip ko mga pinagsasabi ko sa podcast ni @kabulastugan 💪🤣 Nice one brader👌
Nag-react naman si Kim Chiu sa nasabing post ng kanyang boyfie.

“Pssst!!! Ang pogi mo naman!!!!!,”komento ni Kim.

Medyo nanibago naman ang actor sa naging reaksyon ng kanyang nobya.

Gumanti ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng sweet message kay Kim na :”@chinitaprincess ahmishuu”.

Hindi naman napigilang mag-react ng kibitzers sa palitan ng mga mensahe ng dalawa.

Merong mga kinilig at meron din namang binigyan ito ng ibang kulay.

Anila, papansin daw si Kim dahil “miss you like crazy” na raw ito sa dyowa . Wala kasi silang face to face contact lalo pa’t nasa lock-in taping ngayon ang actor sa kanyang seryeng ginagawa na kapareha si Jennylyn Mercado.

May mga nang-uurot naman sa It’s Showtime co-host na umaanoý bumabawi ito . Nabatikos kasi ng ilang netizens dahil sa naging komento nito tungkol sa kanyang pagju-justify sa pagchi-cheat ng isang partner na sinopla naman ni Vice Ganda sa nasabing show.

Leave A Reply

Your email address will not be published.