Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rabiya ‘hiwalay ‘ na sa BF

0 538

May ispekulasyon na hiwalay na umano si Rabiya Mateo sa kanyang long-time boyfriend na si Neil Salvacion.

Napansin ng mga netizen na na-delete ang mga couple photo nila sa Instagram.

Actually 13 posts na lang ang nasa IG ni Neil. Nawawala rin ang sweet birthday greetings niya kay Rabiya last year.

Tanong ng mga netizen,” bakit wala na kayong picture na kasama c rabiya.”

“bakit break naba kayo ni rabiya”

“kuya bat deleted napo mga Pics nyo ni ate rabs break Napo ba kayo?Sana di pa.”

Sa kabila ng tsismis na ito hindi pa nag-unfollow ang dalawa sa IG. Hindi rin nila sinasagot ang tanong kung break na sila.

Si Neil ay first boyfriend ni Rabiya .Nu’ng October 31,2020 lumabas sa Tonite na 6 years na ang kanilang relasyon.

Direktor tumalak sa sundot kotse kay Angelica

Nag-post si direk Darryl Yap sa isyu ni Angelica Panganiban sa Red Cross Subic. Mababasa ito sa kanyang Facebook account.

Komento niya, “sa totoo lang, nalungkot ako.

SM food to go Banner Ad

“Ako, na isang Batang Gapo, pag nagpapaswab sa RedCross subic, pinipilit kong tiisin yung init sa waiting tent nyo, sa sobrang init hindi na ko kumakain ng Andoks dahil alam ko na pakiramdam ng mga manok nila.

“tapos may mababalitaan akong pwede naman palang magpasundot sa car; or sa artista lang pwede? pag direktor kaya pwede sa motor?

“kahit nanay-nanayan ko ang head ng SBMA—

lagi akong sinasabihan ng SBMA Chairperson/Administrator Abe Connor—

“Bakit anak? bakit ka uunahin? sino ka ba? lahat dapat sumusunod sa dapat! PUMILA KA! SUMUNOD KA! alam mong ayaw ko ng ganyan,

“di bale nang mainitan wag lang may malamangang tao! at dahil nga close tayo— MAS LALO KA DAPAT SUMUNOD, as a sign of your respect to me”

“Momma, ayan ha. dapat sa car na ko swab next time. charot.

Dagdag pa niya, “this post is actually an expression of disappointment sa Red Cross, dahil pwede naman pala sa car; hindi naman ako pwedeng madisappoint kay Angelica kasi desisyon naman ng RedCross Subic na iswab sya sa car.”

Bukas ang panig ni Angelica at ng Red Cross Subic sa ikalilinaw ng isyung ito.

Pak!

Leave A Reply

Your email address will not be published.