Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rabiya kinuyog ng DDS

0 306

NI: ARCHIE LIAO

Nakapanayam ni Jessica Soho ang 2020 Ms.Universe Philippines na si Rabiya Mateo.

Hiningan siya ng mensahe ng beteranang broadcast journalist para sa mga kababayan nating naging biktima ng sunud-sunod na bagyong nanalasa sa bansa.

Aniya, nakikisimpatiya raw siya sa mga naging karanasan ng mga ito dahil siya man at ang kanyang pamilya ay nabiktima ng kalamidad.

Hindi raw madali ang mawalan ng bahay, gamit o maging mahal sa buhay.

Gayunpaman, sa kabila raw ng mga kalamidad at personal na trahedya sa buhay ay hindi dapat mawalan ng pag-asa.

Dapat daw ay magtulong-tulong ang lahat sa paghahanap ng solusyon.

Hirit pa niya, hindi rin daw sapat na sabihing resilient ang Pinoy nang wala namang kaukulang mapanghahawakang solusyon o aksyon.

“Kailangan natin magkaroon ng tangible solution kasi hindi tayo matututo. Hindi mapapabuti ang community kung puro resiliency lang,” aniya.

Dahil dito, hindi siya nakaligtas sa mga pambabatikos ng mga DDS.

Leave A Reply

Your email address will not be published.