Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rabiya mag-aartista na

0 549

Ngayong tapos na ang Miss Universe journey ni Rabiya Mateo, ipinahayag ng beauty queen na plano niyang pumasok sa showbusiness.

“Maybe I’m gonna take a short break from social media… And after that, I’m planning to go into show business… Acting probably,” deklara ni Rabiya sa exclusive interview ni MJ Felipe ng TV Patrol.

As we all know ay nabigo si Miss Universe-Philippines 2020 na maiuwi ang korona sa Miss U. Umabot naman siya semi-finals (top 21) pero hindi na pinalad pang makapasok sa top 10. Si Miss Mexico ang nagwagi ng titulo.

“I may fail to bring home the crown, but I still feel like a winner with the warm welcome of the Filipino community here in Miami,” aniya.

Aminado siyang nalungkot siya nang hindi tinawag ang pangalan niya sa top 10 pero deserving naman daw lahat ang mga kandidatang nakapasok.

“After nung pageant, combination din ng emotions. Umpisa nung hindi ako tinawag sa Top 10, I felt sad. But seeing the girls who made it, deserving talaga ang lahat…

“And I guess, hanggang dun lang talaga yung destiny ko. Pero it’s okay. Marami pa ‘kong kailangang gawin at matulungan,” she said.

Sa kanyang journey sa Miss U, may isang kandidata na hindi malilimutan ni Rabiya at ito ay ang hinirang na 2nd runner up na si Janick Maceta del Castillo ng Peru na lagi niyang kasama.

“I remember during the preliminaries, we were praying together. We were lifting all of our worries to God. And sabi namin, whatever success we have, we’re giving it back to the Lord. Siya yung parang sister ko,” sey ni Rabiya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.