Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rabiya namaga ang pisngi

0 114

Ay! Pisngi sa mukha at hindi kung anong pisingi ang namaga kay Ms. Universe Philippines Rabiya Mateo. Ito’y dahil sa pangmalakasang sampal na kanyang tinanggap mula kay Kim Rodriguez para sa episode ng isang show.

Nagkapapasa ang beauty queen sa eksena dahil ayon sa kanya eh talagang dinama niya ang eksena .Tiniyak niyang totoong ang kanyang damdamin para sa katauhamng kanyang ginampanan.

First drama acting project ito ni Mateo at base sa bidyo panayam niya eh talagang alam mong naging masaya siya sa kanyang unang karanasan sa pag-arte.

Sa malapit na hinaharap, gusto ring sumabak sa isang pelikulang romantic comedy at pakiwari niya eh masarap gumanap na kontrabida kaya yun ang isa pang gusto niyang karirin.

In fair Verona, maalindog ang ating dalagang si Rabiya kaya kering-keri niya tiyak ang maging kontrabida. Saka Ilongga ito kaya tiyak ang sarap pakinggan na kung magtataray ito, may kakaibang lambing ang bagsak ng kanyang mga salita. Hindi bat’t there is a lyrical quality pag nagsalita ang mga Ilonggo at nakakakiliti sa tenga ang kanilang pananalita.

Siguradong aariba ang showbiz karera ni Rabiya sa pagiging kontrabida dahil classy at sopistikada siya. Siya na kaya ang magiging millennial Cherie Gil? Kaabang-abang, huh!

Kim ‘di kayang ‘lamunin’ si Bea

Ang mga dalahira at katkatera, kasulukuyang nagsasanib pwersa para intrigahin si Kim Chiu . Ito’y may kinalaman sa baklas-litrato ni Bea Alonzo sa hallway ng ABS-CBN

Para sa kanila, na rinding-rinding sa pagtawa ni Kimberly Sue, ang kanilang pakiwari, si Alonzo ang talagang pinagtatawanan nito.

At siiyemmpre pa may mga kumuwestiyon sa husay ni Kim bilang aktres. How dare she do that to Alonzo na pagdating sa aktingan, eh hindi niya kayang tapatan.

Na hindi acting ang “pagtili” na ipinagmamalaki ni Kim sa kanyang mga horror movie . Hindi pa rin daw ito marunong umarte at kitang-kita raw ang kabanuan nito sa mga eksena niya sa huling drama niya. Buong-buo siyang nilalamon nina Yam Concepcion at Eula Valdes sa kanilang mga maiinit na confrontation sa “Love Thy Woman.”

Sa pangayayaring ito, ang diva that you love feels for Kim . Kinutuban siya na ang panlilibak na kasunod sa kanyang “innocent act” ay magiging pangmalakasan kaya mabilisan niyang binura ang bidyo.

Hay naku. Tigilan na ito! Ka-cheapan ang mga umaaglahi kay Kim sa pangyayaring ito.

Luis ‘di nanggigitata ang brief

Sa Cathy Valencia birthday party na pumirma si Jessy Mendiola-Manzano, bilang brand ambassador, iisa lang ang collective conclusion, marriage becomes her.

May all woman vibe na ang newly married Mrs. Manzano na all pink ang dress na accentuated by a cream blazer at may super girly na branded hand bag.

Ang twinkle ng mga mata niya ay kitang-kita. Ang mga ngiti kay tamis-tamis. At pag pinag-uusapan ang kaniyang beloved Luis, talagang alam mong she has her perfect match.

Pag-amin ni Jessy: “Never naging issue sa amin ‘yung 12 year difference. Ang dami kong natutuhan dahil sa kanya. Ang dami ko ring pagbabago. Dati, comfortable ako na jeans, white shirt at sneakers lang, ngayon mas maarte na ako. Hahaha. Hindi ako nagsusuot ng pink dati pero look at me now, pink na pink pati ang bag.”

Tickled pink siyempre si Jessy sa mga reveal niya tungkol kay hubby: “Kinikilig ako, na sa tuwing gigising ako sa umaga, mukha niya is the first thing that I see.”

Hindi naghihilik si Master Manzano. Hindi malikot matulog pero may isang bisyo: “Gusto niya talaga palagi yung paa niya at paa ko, kung hindi magkadikit, magkapatong.”

Ang pantulog nito: “Naku, gusto niya lang suot lagi, mga lumang sando, na butas-butas kasi presko raw. Si Momski nga (tawag niya kay Vilma Santos) lagi siyang binibigyang ng mga shirt at sando kasi napapansin nito na butas-butas ang mga suot ni Luis.”

Eh kamusta naman ang mga brief nito, hindi naman mala-bacon na ang garters? Maagap na sagot ni Jessy: “Ay hindi. Ako na bumibili for him. Hahahaha. Hindi naman materialistic si Luis. Hindi brand conscious. Minsan sa online ko binibili, Minsan I shop for him.”

Ang isang hindi niya mainitindihang quirk nito: “Gusto niya talaga pudpod na pudpod ang mga kuko niya sa daliri.Kaunting haba pa lang nito, nail cutter na agad ang hinahanap niya.”

Two years into their relationship pala, alam na ni Jessy na si Luis ang “the one”. Paliwanag nito: “Ako kasi, I don’t date for the sake of dating, na just to have fun. In my mind, I date with the hope na the guy I am dating siya na ang pakakasalan ko. In our two years, nakita how kind and loving si Lu. How generous. He makes feel his love. Oo, nakakatawa siya. Nakakatuwa. People expect him nga to always throw a punchline or a joke, pero he has serious side na talagang as his wife, he knows how to make me feel secure, protected and loved.”

Baby plans? Sisinisiguro ni Mrs. Manzano na sa susunod na taon ang arrival ni baby Manzano. Pangarap nilang first born ay babae .Siguradong may Rose sa pangalan nito, kasi nga Rosa Vilma ang tunay na name ni Ate Vi, o kaya Emma, dahil paborito niyang aktres si Emma Watson.

Leave A Reply

Your email address will not be published.