Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rabiya nanganganib sa Miss U

0 2,391

ROMMEL PLACENTE: In fairness ay maganda si Rabiya Matteo,sexy at matalino,. Kayang-kaya niyang sagutin kung ano man ang tanong na ibabato sa kanya ng mga hurado sa Miss Universe 2020.May laban siya na maiuwi ang korona. Kaya lang mga ka-Cuatros, marami ring magaganda, sexy at matataino na candidates mula sa ibat-ibang bansa gaya ng Miss India,Miss Thailand,Miss Cambodia,Miss South Africa at iba pa Kailangan ni Rabiya na gumimik,yung mapansin siya agad ng mga hurado. Sa pagrampa niya, kailangang pasabog agad . Dapat mapansin gaya ng lava walk ni Catriona Gray, sa kanyang lava walk, ay napansin siya agad.

RODEL FERNANDO:Hindi talaga maiiwasan na may magsasabing mahihirapan din ang ating pambato sa Miss Universe this year na si Rabiya Mateo. Sa totoo lang kasi marami ang ayaw pakabog at patalbog na mga kandidata. Gaya na lamang nina Miss Thailand at Miss indonesia na pinag-uusapan .Parang ayaw masapawan sa mga lumalabas nilang pictures sa internet. Idagdag pa ang mga malalakas na mga kandidatang Latina na tulad nina Miss Venezuela at Miss Columbia.

Pero ganunpaman, hindi rin naman nagpapahuli ang ating kandidata na si Rabiya. Base rin sa mga post sa ibat-ibang pageant website , nangingibabaw din ang ganda ni Rabiya. Maski sa pananamit niya ay kapansin -pansin ang magandang awra niya.

Sana ay masungkit na ng Pilipinas ang panglimang korona sa Miss U. At huwag sana matulad kay Samantha Bernardo na first runner up ang naiuwi sa Miss Grand International.

MILDRED BACUD: Magpakitang gilas nga talaga si Rabiya Mateo para mapansin siya. Para raw kasing may kulang. Hindi ko naman alam kung ano kasi hindi naman talaga ako mahilig sa mga beauty pageant. Narinig ko lang kasi sa grupo ng mga pageant bloggers na nakukulangan daw sila kay Rabiya. Hindi raw sapat ang matalino lang .Kailangan daw ay malakas ang dating tulad nina Ms. Universe Catriona Gray at Pia Wurtzbach .Pero sa akin naman mga ka-Cuatros nu’ng magkaroon tayo ng chance na mainterview siya, malakas naman ang dating niya. Bukod sa maganda ay napakahusay magsalita.

Sabi sa balita malakas naman daw ang kaban ni Rabiya dahil nga maraming bansa ang nag-back out. Parang hindi naman magandang pakinggan na kung sakaling mananalo ay dahil nga nag-back out lang ang ilang kalahok. Maganda pa ring manalo siya because deserve niya.

SM food to go Banner Ad

Ilang tulog na lang at malalaman na nga natin kung may laban ang ating pambato. Sana nga ay mauwi niya ang korona para may magandang balita naman sa kabila ng pandemya.

ROLDAN CASTRO: Sa true lang nanganganib talaga si Rabiya na masungkit ang Miss U dahil may mga mabibigat siyang kalaban. Nakasalalay talaga sa mga judge kung tatanghalin nila na Miss Universe.

Ang mahalaga ay may mga katangian siya na posibleng manalo. May iibubuga naman ang manok natin.

Kailangan din ni Rabiya ngayon ng dasal at suporta na mapagwagian niya ang kanyang laban.

Kung nakatakda talaga na maging Miss Universe siya, mangyayari ‘yan. Kahit harangin pa siya ng sibak.
Pak!

Leave A Reply

Your email address will not be published.