Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rabiya pinaglaruan sa suot

0 238

NI: ALWIN IGNACIO

Fashion disaster at victim nga ba ang bago nating Ms. Universe Philippines Rabiya Mateo? Juice colored! Huwag po! Huwag po! Mga naggagayak kay Bb. Mateo, huwag niyo namang paglaruan ang mga kasuotan ng beauty queen natin.

Maliban sa kanyang matapang na mga pahayag tungkol sa “resiliency” at “directionless governance” kaya poot na poot sa kanya ang DDS trolls, ang concerned ang mga fashion designer, nag-aalala dahil nga hindi maganda at kainaman ang mga pinasusuot kay Rabiya lalo na sa kanyang public appearances.

Wala namang masama na go for gold ang Filipiniana pero dapat naman on point and fashion forward, at higit sa lahat dapat bagay at well put together pag suot-suot na niya ang niyaring damit.

Parang sa 4th Pinay na tinanghal na Ms. Universe, si Catriona Gray, kitang-kitang ang Filipino influences sa kanyang mga saplot, from the fabric hanggang aksesorya at talagang fashion statement at ang audience impact ng outfits, wow na wow!

SM SuperKidsDay Banner Ad

Eh ang kay Bb. Mateo, sila pa yata ang dahilan sa pagyari sa chances nito na magmarka dahil awfully assembled ang kanyang outfits.

May isa siyang red terno na backless tapos parang may sheer lining na yung zipper, wala sa ayos porma.

May kuha siyang nakasuot ng terno na my gosh. Ang masaklap pa, sa larawan, parang ipinutong lang ang ulo niya sa outfit and she looked so uncomfortable in it.

At may isa pa siyang cream dress na may butterfly sleeves na parang hindi man lang plinantsa. So sloppy looking for a beauty queen of her stature.

Naku Ms. Shamcey Supsup-Lee na chairwoman ng Ms. Universe Philippines, pakitalakan ang glamour at styling team ni Queen Rabiya Mateo. She should not be the beauty queen na may parunngit na “ I’d rather be caught dead than wear her outfits.” Saklap!

Leave A Reply

Your email address will not be published.