Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rabiya super crush si Kobe

0 848

NI: ARCHIE LIAO

Pagkatapos mag-fill in the blanks na naman ang ilang netizens dahil sa misteryosong pagkawala ng mga litrato ni Ms.Universe Philippines Rabiya Mateo sa Instagram account ng kanyang non-showbiz boyfriend, marami ang nag-assume na hiwalay na umano ang dalawa.

Lumabas din ang anggulo at ispekulasyon na diumano’y ayaw pag-artistahin umano ni Neil Salvacion si Rabiya.

Pinaigting pa ito ng hugot ni Neil tungkol sa “chasing sunsets” emote nito na as if over na ang lahat between him at ng beauty queen.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kasunod nito ay kumalat pa ang mga litrato ni Rabiya kasama dating PBB housemate na si Andre Brouillette.

Kahit na idinenay ni Rabiya ang tsismis tungkol sa kanila ni Andre, may mga duduso pa ring nagsasabing tila nagkakalabuan na ang Ms. U Philippines at si Neil.

Samantala, inamin na ni Rabiya na si Kobe Paras ang super crush niya sa isang panayam. “Ang nakakatawa kasi I know nothing about basketball pero nanood talaga ako ng UAAP para makita siya. Kahit hindi ko na alam ang nangyayari hinanap ko talaga, asan si number 6?” lahad niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.