Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rabiya TH sa direktor

0 136

NI: ARCHIE LIAO

Sa kanyang Instagram post, ipinakita ng Ms. Universe Philippines Rabiya Mateo ang bonding niya sa isang Hollywood director.

May caption itong: “One day before I leave US, I was privileged enough to have a dinner with Hollywood director @nowrastehcyrus, the man behind the movie The Young Messiah and many more great films.”

Hindi napigilang mag-react ng ilang bitchy netizens dahil hindi nila kilala ang nasabing director.

Hirit ng mga mahaderang matataray at pintasera, okey lang daw sana kung ang ipinost nito na kasama sa pic ay ka-level nina Steven Speilberg, James Cameron o Martin Scorcese.

May mga nang-okray din at nagsabing gusto lang daw nitong magpaka-relevant pagkatapos na matalo nito sa 2021 Ms. Universe pageant.

May mga nagmamaldita namang humirit na kung gusto nitong pasukin ang showbiz tulad nang kanyang nabanggit sa isang panayam, mag-aral daw muna ito ng acting workshop.

Hirit pa nila, kung seryoso rin siya sa pagsabak sa showbiz, simulan niya rin munang gumawa ng pangalan bilang aktres sa sariling bansa.

Ito ang ilan sa mga komento ng mga netizen sa kanyang post.

“Trying to stay relevant.”

“Why is she even doing this?”

“Manahimik ka na Rabiya, isang google lang, kitang kita na walang sikat na TV show or movie yang pinagmamalaki mo.”

“Parang naging trying hard to belong si Rabiya after she lost? Observation ko lang. Sorry na agad.”

“Yup and trying hard to stay relevant.”

“Ay all smiles si ate girl. Living her American Dream!”

“I love watching films but i haven’t heard of this director so I Googled him and…nothing noteworthy. i’m sure that Rabiya hasnt seen any of his films either lol.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.