Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rabiya tinawanan ang pagkadapa

0 78

Hanggang sa huling sandali ay umeksena pa rin si Rabiya Mateo sa kanyang final walk as Miss Universe-Philippines 2020 . Ito’y sa katatapos lamang na coronation night ng nasabing pageant.

As we write ay viral pa nga rin ang video ng insidente kung saan ay nadapa at napaluhod siya habang naglalakad sa stage.

Sari-sari ang mababasang komento mula sa mga netizen at karamihan naman ay pinupuri siya for gracefully handling the situation. Ang iba naman ay natawa na lang sa nangyari at sey nila, patapos na raw ang reign ay umeksena pa.

Pero maging si Rabiya ay tinawanan na lang din ang pagkakatapilok niya. Sa kanyang IG Story ay nirepost niya ang mga reaksyon ng netizens at natatawa na lang siya.

Pati ang post ng friend niyang si MJ Lastimosa ay inokray niya.

Nag-post si MJ ng photo ni Rabiya during the pageant at nilagyan niya ng caption na “bangon everyday! Labyu @rabiyamateo.”

Nirepost ito ni Rabiya at sinagot niya si MJ.

“Echusera. Narinig kita tumawa ng nadapa ako ehh!” sey niya sa caption.

Pero ang nakakaaliw sa IG Stories ni Rabiya ay para siyang may coverage ng MUP 2021 dahil sa mga video interviews niya sa kandidata backstage. Pati na ang kaganapan sa pageant hanggang sa umabot sa top 10, top 5, up to the coronation night. Kahit sa dressing room ay may coverage siya.

May video rin siya kung na natatawa niyang sey, “don’t worry guys, I’m ok” na marahil ay kinunan niya matapos ang pagkakadapa niya.

May video rin siya congratulating the title-holder, Beatrice Luigi Gomez.

Aniya, “she really deserves it, guys. Kung nandio kayo, you can really feel her presence and nandu’n talaga ‘yung winning look for tonight. Kaya congratulations especially sa top 5. Lahat sila, they performed, they did very well – from swimsuit, evening gown up until the Q&A portion. Pero this time, ‘yung destiny talaga para kay Bea and I’m excited to see her, to support her.”

Ipinost din niya ang larawan nila ni Kisses Delavin na magkasama sa dressing room at nag-iwan siya ng mensahe sa celebrity candidate.

“@kissesdelavin remember that you did well tonight. Continue to be kind and I’m looking forward to see you join again. Ate Rab loves you.”

As we all know ay pumasok hanggang sa top 10 si Kisses at hindi na pinalad sa top 5.

Jinkee viral sa first lady look

Nag-viral naman kahapon ang OOTD (outfit of the day) ni Jinkee Pacquiao nang samahan niya ang asawang si Sen. Manny Pacquiao na mag-file ng Certificate of Candidacy (COC) para sa pagka-Pangulo sa darating na 2022 elections.

Makikita si Jinkee na nakasuot lang ng maong pants with simple white blouse and blue blazer. Ito ay malayo sa mga bongga niyang OOTD na ipino-post araw-araw.

Pati ang kanyang hair and make-up ay napaka-simple lang. Nakatali lang ang kanyang buhok na ang komento nga ng mga netizen ay first lady na ang dating.

In fairness, bagay na bagay kay Jinkee ang kanyang “first lady look” at hindi malayong kapag nanalo si Pacman ay ito na ang kanyang maging signature look.

Leave A Reply

Your email address will not be published.