Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rabiya tinik kay Michele

0 167

NI: ROMMEL PLACENTE

Sumali si Michele Gumabao noong 2018 sa Binibining Pilipinas pero hindi niya naiuwi ang pinakamataas na titulo. Si Catriona Gray ang tinanghal na Binibining Pilipinas Universe at nanalo ring Miss Universe.

May nakuha rin namang title si Michele,na Binibining Pilipinas Globe 2018.

Sa muling pagsali ni Michelle sa katatapos lang na Miss Universe Philiipines 202 ay hindi pa rin siya pinalad sa korona. Early favorite siya ng mga netizen.

SM food to go Banner Ad

Tinanghal lamang siyang second runner-up. Si Rabiya Mateo ng Iloilo ang wagi bilang Miss Universe Philippines 2020. Mistulang tinik si Rabiya sa pageant career niya.

Sa question and answer portion kasi para sa pumasok sa top 5 ay nagpakitang gilas na sa pagsagot si Rabiya. Naitawid at nasagot niya nang maayos ang dalawang question na binigay sa bawat isa sa kanilang lima ng host na si KC Montero. Ang unang tanong kay Rabiya ni KC ay,”If you could create any new paper currency with the image of a Filipino on it, dead or alive, who would it be and why?” Ang winning answer niya ay,”f I were given the chance, I want to use the face of Miriam Defensor Santiago for those who don’t know, she was an Ilongga.But what I admired about her is that she used her knowledge, her voice to serve the country.And I want to be somebody like her. Somebody who puts her heart, her passion into action.And after all, she is the best president that we never had.”

Ang second question ni KC sa kanya ay, “This pandemic has made clear our priorities, essential or non-essential. Where do pageants stand in this crisis?”At ang isa pang winning answer ng dalaga ay,”As a candidate, I know I’m not just a face of Iloilo City.But I am here carrying hope as a symbol of light in the darkest times. As of the moment, I want to help my community. I want to use my strength to make an impact.And that is the essence of beauty pageants—it gives us the power to make a difference.”

Sa opinyon ng isang netizen sa muling pagkaudlot na makoronahan si Michele , sabi nito, “Kahit na hindi si Michele Gumabao ang nag-win, super satisfied pa rin ako sa representative natin sa MU this year. Maganda, emotera at kudaera! Nginig na naman ang tumbong ng mga bakla sa Thailand Hahahaha!’

Bukod kina Rabiya at Michele nakakuha ng puwesto sa Miss Universe Philippines 2020, ay sina Miss Paranaque Ysabella Roxas Ysmael-1st runner-up, Miss Bohol Pauline C. Amelinckx -3rd runner-up at Miss Cavite Billie Hakenson,4th runner-up.

Leave A Reply

Your email address will not be published.