Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rabiya trip ang baklaan

0 154

NI: ARCHIE LIAO

Kung ang karamihang dalagang Pilipina ay mahilig sa romcom at fairy tale love stories,kakaiba naman ang trip ng 2020 Ms.Universe Philippines na si Rabiya Mateo.

Sa isang panayam, inamin niya na faney siya ng mga BL series.

“I have been watching that Boys’ Love series and I want to experience their culture,” aniya.

Katunayan, kung may pagkakataon daw siyang mag-travel pagkatapos ng pandemya, gusto raw niyang pumunta sa Thailand kung saan may sariling following ang mga BL series.

Marami namang netizen at beaucon aficionados ang nag-react sa pahayag ni Rabiya.

Sey nila, vaklang-vakhla raw si Teh at type nitong magpaka-relevant sa LGBTQ+ community.

Matatandaang pagkatapos manalo, sumulpot ang lumang larawan ni Rabiya kung saan kitang-kita ang kanyang transformation from her old self.

Iniintriga rin umanong retokada beauty ang bagong beauty queen.

Leave A Reply

Your email address will not be published.