Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rabiya tsumika sa dyowa

0 3,445

Mahirap talaga pag may title kang Miss Universe Philippines . Damang-dama ngayon ni Binibining Rabiya Mateo dahil bawat kilos at galaw niya, magnified lalong-lalo na sa social media.

Anyway may message exchanges na si Mateo at kanyang longtime jowang si Neil Salvacion. Nagpatahimik ito sa mga dalhira at katkaterang naghuhumiyaw sa pagsasabing hiwalay na sila.

Ganda problems for Rabiya Mateo? Sigurado naman ang diva that you love na kering-keri niya lahat ang mga ito kasi nga, matalino rin siya.

Shaina ‘binugbog’ pa rin ni Mon

Hindi! Bago kayo mataranta at manginig ang laman, walang bumubog for real sa maganda at maghusay na si Shaina Magdayao.

Bentang-benta lang kasi sa karamihan ang hanash niya tungkol sa magaling na character actor, Mon Confiado. Ang hanash ni Shaina: “Dati nu’ng bata ako sa Marinella, kinikidnap mo ako at binubugbog. Ngayon sa MMK, asawa na kita, binubugbog mo pa rin ako.”

Aliw ang dulot ng hanash ni Magdayao, lalo na sa mga sumusuporta at nanalig sa kanya . Isa itong tapat na tribute para sa katotohanang hindi pwedeng itago at itanggi, na sa murang gulang niya dati, tumatak sa kanya na hindi lang basta mahusay, kundi pagkahusay-husay itong si Confiado. At ngayong “I am woman here me roar” age na siya, ang dedikasyon at pagmamahal ni Mon sa kanyang pagiging aktor ay hindi matatawaran kaya siguradong makatotohanan na naman ang eksenang may karahasan.

SM food to go Banner Ad

Maaring sa iba, hindi nila naibigan ang hanash ni Shaina dahil parang “traumatic” experience nu’ng siya ay nene pa ang “dinanas” niya sa mga kamay ni Confiado.

Sa ganang akin, mali ang basa niyo sa kanyang isinambulat dahil ang pahayag na ito ay pagpapakita kung gaano niya nirerespeto at hinahangaan ang professionalism ni Mon bilang aktor. Natandaan niya na kapag ito ang makakasama niya sa kahit na anong proyekto, pelikula man o telebisyon, hindi siya pweding pa-petiks lang, she must give her best. Alam niyang walang small role para sa nag-iisang Mon Confiado.

Ang pagpapakatotoo ni Shaina ay talaga namang endearing at naway ang ganitong ugali niya ay hindi mawala.

Bela umariba sa galing

Kapag pinanood ang latest music video mula sa Ben & Ben na may pamagat na “Magpahinga,” biglang matitigalgal ang mga bumabatikos kay Bela Padilla.

Ipinakita ni Bela ang kanyang brillo at galing bilang aktres. Ang kasama niya rito ay ang walang katulad at palaging sakdal husay na si Ginoong Joel Torre.

Waging-wagi ang bagong awit na likha nina Paolo Benjamin at Miguel Benjamin Guico. May haplos sa puso ang mga letra at ang areglo nito, talagang sapul na sapul ang emosyon. Kaya nga hindi na katataka-taka na more than half a million and counting na ang may gusto ang anthem nilang kanilang handog ngayong panahon ng pandemya.

Ang mas lalong nagpaigting sa aural at emotional experience nito ay ang mahusay na pagganap nina Bela at Joel . Dama mo talaga na they played with a lot of truth ang kanilang binigyang buhay na mag-ama.

Leave A Reply

Your email address will not be published.