Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rabiya type magkaroon ng punerarya

0 109

Inamin ni Miss Universe-Philippines 2020 na dream business niya ang punerarya. Sinabi niya ito sa kanyang latest YouTube vlog titled “24 Facts About Me.”

“Isa sa gusto kong business na itayo in the future is punerarya. Hindi naman natin ‘yun (death) hinihingi, di ba? That’s the cycle of life,” sabi ng beauty queen.

Dagdag paliwanag pa niya, gusto raw niyang mag-make-up sa patay.

“Hindi ko kasi gusto ‘yung make-up ng patay sa probinsiya. Parang feeling ko, nilalagyan lang sila ng parang puting foundation lang, tapos kinikilayan lang sila.

“Gusto kong magkaroon ng punerarya and gusto ko, maganda ‘yung make-up ng kliyente ko,” sey niya.

Mateo maharot sa first kiss

Ini-reveal din niya ang kanyang first kiss when she was 18 years old sa kanyang first boyfriend.

“I think, nagkaroon ako, during that time ng first boyfriend ko pero mas nauna ‘yung first kiss kaysa first boyfriend. Kasi medyo maharot din ako that time. Madilim na nu’n, tapos, we had our first kiss sa labas ng dorm,” kuwento ni Rabiya.

Marami pa siyang ibinahaging impormasyon about herself sa nasabing vlog at katwiran niya, ginawa niya ang video na ito para naman mas makilala pa siya ng mga tao.

“So, sana, you guys got to know me better kasi, gusto ko lang gawin ‘yung mga videos na ito to remind you na kahit beauty queen kami, tao pa rin kami. We have the same struggles, guys.

“Bilang isang babae, bilang isang tao, may kinakatakutan din kami, may mga aspirations din kami sa buhay,” she said.

Leave A Reply

Your email address will not be published.