Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rabiya wagi sa swimsuit

0 238

NI: NONIE NICASIO

Tunay na winner ang makikitang kariktan kay Rabiya Mateo sa kanyang Instagram account.

Suot ang hot at super-seksing swimsuit, dito’y lumutang nang husto ang ibang klaseng kurbada ng katawan niya. Sadyang patok ang taglay na kaseksihan ng dalaga.

Si Rabiya ang representative ng Iloilo sa Miss Universe Philippines 2020 na mapapanod ngayong umaga (October 25) sa GMA 7.

SM food to go Banner Ad

Pinatunayan niyang isa siyang certified hottie nang masungkit ang special award na Best in Swimsuit sa preliminary competition ng naturang pageant .

Siya ay 23 years old, may taas na 5’6” at tubong Balasan, Iloilo. Nagtapos na cum laude si Rabiya ng kursong Bachelor of Science degree in Physical Therapy sa Iloilo Doctors College.

Ang malakas na dating sa opposite sex ni Rabiya ay sapat para maging aligaga at hindi mapakali ang mga kalalakihan.

Walang boys ang hindi pagpapawisan nang malapot at hindi papangarapin ang taglay niyang kagandahan. Pampabuhay ng dugo sa sinumang lalaki ang makakasilip sa kanyang angking alindog.

Ang mga tulad ni Rabiya ang dream girl ng mga lahi ni Adan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.