Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Racal ‘kumander’ ang masahista

0 340

Dahil mahigpit pa ring pinatutupad ang social distancing maliban sa kabiyak, ang misis ni Philippine Basketball Association (PBA) veteran Kevin Kent Racal na si Sarah na lang ang nagsilbi niyang private Physical Therapist.

Pinasilip ng Alaska Milk Acesfordward guard sa Instagram story niya kamakalawa, na ang kumander niya mismo ang nagbabanat ng kanyang kanang binti.

“Goodjob @saragmracal,” caption pa ng 29-year-old, 6-foot-3 baller buhat sa Mandaluyong City.

Hindi pa nakakapagpakondisyon ang karamihang player kasama ang teams at therapists kaya sa misis na lang niya ito nagpahagod.

Bukod sa chillax na pagpapahilot busy rin ang basketbolista sa pagsasagawa team workout via Zoom sa utos ni Aces coach Jeffrey Cariaso. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.