Abante Tonite Interactive

Racela bagong coach ng Blackwater

0 339

Panibagong simula ang hangad ng Blackwater Elite sa 45th Philippine Basketball Association 2020 sa pagpirma ni Nash Racela bilang bagong coach ng koponan.

Nagkasundo si Racela at ang Blackwater sa two-year contract para makabalik sa pro league. Huli siyang nag-coach sa TNT KaTropa nitong 2018.

Papalitan ni Nash ang naging interim coach ng Elite na si Aris ­Dimaunahan.

Sa Blackwater, muling makakasama ni Racela ang dalawa sa kanyang star player noong igiya ang FEU Tamaraws sa kampeonato noong 2014 na sina Mac Belo at Mike Tolomia.

Nasa ilalim ­ngayon ng rebuilding ang Blackwater tapos ipamigay ang kanilang mga top ­scorersna Mike ­Digregorio, Allein Maliksi at super rookie Bobby Ray Parks Jr.