Abante Tonite Interactive

Rachel makamundong pagnanasa ang hatid

0 673

Isa na namang tukso ang ipinaskil ni Rachel Peters sa kanyang Instagram wall. Ito ay ang kanyang bikini photo na nakabalandra ang kanyang tambok.

Pailalim ang kuha sa larawan ng beauty queen, mula sa kanyang leeg pataas sa kanyang mukha.

Isa sa mga unang babalandra sa mga mata ng kanyang mga follower ay ang kabuuang pigura nito na talaga namang pamatay.

Ang mga babaeng gaya ni Rachel na dyosa ng kagandahan ay hindi maaaring hindi makaisip ng kamunduhan ang isang lalaki.

Well, hindi naman kasalanan ‘yun ni Rachel. Basta, sexy siya at gusto niya itong ipangalandakan sa social media. (Rey Pumaloy)