Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rachel napagkamalang si VP Leni

0 395

NI: ARCHIE LIAO

Isang troll ang nag-post ng picture ni Rachel Alejandro sa beach na may caption na : “Nasaan ang bise presidente? Busy na naman sa Palawan. Ughh!”

Obvious na napagkamalan nitong si VP Leni Robredo ang nasabing singer-actress.

Umani rin ng samu’t-saring reaksyon ang nasabing post at nakarating mismo ito sa VP at kay Rachel.

Reaksyon ni VP Leni: “Was initially confused why a number of people are sending me this. Kalma lang po. Hindi ako iyan. Andito po ako sa opisina, wala sa Palawan. Ako na ang humihingi ng paumanhin kay Rachel Alejandro.”

Sagot naman ni Rachel: VP Leni, ako din po, I got so many comments that I look like you when I posted that photo on IG. Napa-smile na lang ako. Basta pag may movie tungkol sa buhay n’yo, may ideya na kayo sino ang puedeng mag-portray. I don’t believe we’ve properly met but let me use this opportunity to thank you for all that you do.”

Reply naman ni VP: “Rachel Alejandro, nakakahiya sa iyo. Thank you for being very gracious about it. Pasensya ka, nadamay ka. But I am so flattered to be compared to you.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.